Cookie Policy

Ang browser cookie ay isang maliit na piraso ng data na naka-store sa iyong device para tulungan ang mga website at mobile app na matandaan ang mga bagay tungkol sa iyo. Pwedeng gamitin ang ibang mga teknolohiya, kabilang ang Web storage at mga identifier na nauugnay sa iyong device, para sa parehong mga dahilan. Sa policy na ito, ginagamit namin ang “cookies” para tukuyin ang lahat ng ganitong mga teknolohiya.

Ipinapaliwanag ng aming Privacy Policy kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang impormasyon mula at tungkol sa iyo kapag ginagamit mo ang Snapchat at ibang mga partikular na service ng Snap Inc. Ipinapaliwanag ng policy na ito ang higit pa tungkol sa kung paano kami gumagamit ng cookies at ang mga nauugnay mong pagpili.

Paano Kami Gumagamit ng Cookies

Kagaya ng karamihan ng mga provider ng mga online na service, gumagamit ang Snap Inc. ng cookies, kabilang ang third-party cookies, para sa ilang kadahilanan, kagaya ng pagprotekta sa iyong data at account sa Snapchat, pagtulong sa aming makita kung aling mga feature ang pinakasikat, pagbibilang ng mga bisita sa isang page, pagpapahusay sa karanasan ng aming mga user, pagpapanatiling secure sa aming mga service, pagbibigay ng nauugnay na advertising, at sa pangkalahatan, pagbibigay ng mas mahusay, mas intuitive, at mas kasiya-siyang karanasan. Karaniwang nasa isa sa mga sumusunod na kategorya ang cookies na ginagamit namin.

Kategorya ng cookies Bakit namin ginagamit ang cookies na ito
Kinakailangan

Ginagamit namin ang cookies na ito para patakbuhin ang aming site, at para tukuyin at pigilan ang mga panganib sa seguridad.

Halimbawa, pwede naming gamitin ang cookies na ito para i-store ang impormasyon ng iyong session para pigilan ang ibang mapalitan ang iyong password nang wala ang iyong username at password.

Mga Preference

Ginagamit namin ang cookies na ito para tandaan ang iyong mga setting at preference, at para lalong pagandahin ang iyong karanasan sa aming site.

Halimbawa, pwede naming gamitin ang cookies na ito para tandaan ang iyong mga preference sa wika.

Performance

Ginagamit namin ang cookies na ito para mangolekta ng impormasyon tungkol sa kung paano mo ginagamit ang aming site, i-monitor ang performance ng site, at pagandahin ang performance ng site, ng aming mga service, at ng karanasan mo.

Halimbawa, pwede naming gamitin ang cookies na ito para matuto pa tungkol sa kung aling mga feature ang pinakasikat sa aming mga user at kung alin ang nangangailangan ng ilang mga tweak.

Marketing
Ginagamit namin ang cookies na ito para maghatid ng mga advertisement, para gawing mas may kaugnayan at kapaki-pakinabang ang mga ito sa mga consumer, at para subaybayan ang efficiency ng aming mga advertising campaign, sa aming mga service at sa iba pang mga site o mobile app. Ang aming third-party na advertising partners

Ang Third-party na advertising partners:

×
  • Twitter
  • Pinterest
  • Google Analytics
  • LinkedIn
  • Bing
  • Pardot
ay pwedeng gumamit ng cookies na ito para bumuo ng profile ng iyong mga interes at maghatid ng may kaugnayang advertising sa ibang mga site.

Analytics at Advertising Services

Ibinibigay ng Iba

Maaari naming payagan ang ibang mga kumpanya na gumamit ng cookies sa aming services. Maaaring mangolekta ang mga kumpanyang ito ng impormasyon kung paano mo ginagamit ang services namin at isama iyon sa kaparehong impormasyon mula sa ibang services at mga kumpanya. Maaaring gamitin ang impormasyong ito para, bukod pa sa ibang mga bagay, suriin at i-track ang data, tukuyin ang popularidad ng partikular na content, at mas maunawaan pa ang iyong online na activity.

Dagdag pa rito, ang ilang kumpanya, kasama ang aming affiliates, ay maaaring gumamit ng impormasyong nakolekta sa aming services para pigilan ang panloloko o ibang 'di awtorisado o iligal na mga gawain at masukat at ma-optimize ang performance ng mga ad at maghatid ng mga mas may-kaugnayang ad sa ngalan namin o ibang mga kumpanya, kabilang ang sa third-party websites at apps. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga ad na batay sa interes at mga pagpipiliang available sa iyo, pumunta dito.

Ibinibigay Namin

Maaari kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong activity sa services ng third-party na gumagamit ng cookies na ibinigay namin. Ginagamit namin ang impormasyong ito para mapahusay ang aming advertising services, kabilang ang pagsukat ng mga ad at pagpapakita sa iyo ng mga mas may-kaugnayang ad. Bisitahin ang aming page sa Advertising Preferences para matuto pa tungkol sa Snapchat advertising at kung paano mo makokontrol ang impormasyong ginagamit para piliin ang mga ad na nakikita mo.

Ang Mga Pagpipilian Mo

Pwede kang bigyan ng iyong browser ng opsyon para tanggihan ang ilan sa o lahat ng browser cookies. Pwede ka ring mag-alis ng cookies mula sa iyong browser. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pangangasiwaan ang browser cookies, paki sundan ang mga instruction na ibinibigay ng browser mo.

Browser Cookies

Pwede kang bigyan ng iyong browser ng opsyon para tanggihan ang ilan sa o lahat ng browser cookies. Pwede ka ring mag-alis ng cookies mula sa iyong browser. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pangangasiwaan ang browser cookies, paki sundan ang mga instruction na ibinibigay ng browser mo.

Mga Identifier ng Mobile Device

Pwede kang pahintulutan ng operating system ng iyong mobile na mag-opt out sa pagkakaroon ng mga partikular na identifier ng device na ginagamit para sa advertising na interest-based. Dapat mong tingnan ang mga instruction na isinama ng manufacturer ng iyong mobile device; karaniwang available ang impormasyong ito sa ilalim ng function na “settings” sa iyong mobile device.

Siyempre, kung nagbibigay ang iyong mobile device ng proseso ng pag-uninstall, pwede mo kaming patigilin sa pagkolekta ng impormasyon gamit ang app sa pamamagitan ng pag-uninstall sa Snapchat app.

Baguhin ang Iyong Settings

Pwede mo ring i-block ang partikular na cookies sa pamamagitan ng pag-adjust sa iyong settings sa aming mga site.