Ang Mga Prinsipyo Namin sa Privacy

Sa Snap, inuuna namin ang iyong privacy. Alam naming nakukuha namin ang iyong tiwala kapag ginagagamit mo ang Snapchat, o alinman sa iba pa naming mga produkto — kaya naman iba ang pagtrato namin sa iyong impormasyon kumpara sa karamihan ng mga tech company.

Hindi namin iniipon ang mga private message mo at hindi kami nagpapakita sa publiko ng timeline ng lahat ng na-post mo. Idinisenyo ang Snapchat para makikita lang ng mga tao ang mga bagay na gusto mong i-share, hangga't gusto mo itong i-share. Naniniwala kaming dahil dito, hindi mo ramdam na permanenteng record ang Snapchat at mas parang pakikipag-usap lang ito sa mga friend.

Kahit pa patuloy na nagbabago ang mga produkto namin, hindi nagbabago ang mga prinsipyo namin sa privacy:

Nakikipag-ugnayan kami nang tapat at walang itinatago

Kapag ginamit mo ang mga product ng Snap, nagsi-share ka ng impormasyon sa amin — responsibilidad namin na tulungan kang maintindihan kung paano ginagamit ang impormasyong iyon. Ipinapaliwanag ng aming Privacy Policy kung paano namin kinokolekta, ginagamit at sini-share ang impormasyon — pwede mong basahin ang mga highlight dito. Kung gusto mong malaman kung paano ginagamit ng partikular na feature ang iyong data, detalyadong ipinapaliwanag ng Privacy by Product ang ilang bagay. Ipinapaliwanag din namin kung paano ginagamit ng mga feature ang data sa mismong mga app namin, at sa aming Support Center. Siyempre, kung hindi mo pa rin makita kung ano ang kailangan mo, pwede kang magtanong!

Ikaw ang pipili kung paano mo ipapahayag ang iyong sarili

Naniniwala kami na mahalaga ang prviacy sa paghimok ng pagpapahayag ng sarili. Kaya naman ikaw ang may control kung kanino mo ibabahagi ang mga bagay, paano mo isi-share ang mga ito, at kung gaano katagal makikita ang mga ito. Ikaw ang magpapasiya kung sino ang makakakita ng iyong Story, sinong friends ang makakakita sa Bitmoji mo sa Snap Map, at kung gaano katagal available ang Snaps mo. Pwede mong gawing para sa inyong dalawa lang ng friend mo ang ilang bagay, o mag-share ng moment sa buong mundo! Matuto pa.

Nagdidisenyo kami nang iniisip ang privacy

Dumadaan ang mga bagong feature sa mahigpit na proseso ng pag-review — pinag-uusapan namin ang mga bagay, pinagdedebatihan namin ang mga ito, at nagsusumikap kami para makabuo ng mga product na ipagmamalaki namin at gusto naming gamitin. Dahil ang totoo, ginagamit namin ang mga product na ito araw-araw, sa trabaho at personal na mga buhay namin. Pinangangasiwaan namin ang iyong impormasyon nang may parehong pangangalaga na ginagamit namin para sa aming sarili, kumpanya, pamilya, at friends.

Ikaw ang may control sa iyong impormasyon

May karapatan kang ma-control ang iyong impormasyon. Kaya naman nagbibigay kami ng mga madaling paraan para ma-access at ma-update ang iyong impormasyon, ma-adjust kung gaano karaming impormasyon ang isi-share mo sa amin, hilinging i-delete namin ang iyong impormasyon — o maging ang account mo. Maaari mong ma-control ang karamihan ng iyong mga privacy setting sa mga mobile application namin. Pwede ka ring mag-log in at i-download ang iyong impormasyon ng Snapchat dito. Kung mayroon kang anumang partikular na mga tanong tungkol sa iyong data, huwag magdalawang-isip na makipag-ugnayan sa amin!

Naka-default sa amin ang pag-delete

Layunin ng Snapchat na makuha ang pakiramdam na kasama ang mga friends nang harapan — kaya naman dini-delete ang Snaps at Chats sa mga server namin kapag nabuksan na ang mga ito o nag-expire. Pagkatapos ma-delete ang isang Snap , makikita lang namin ang mga basic na detalye — kagaya ng kung kailan at kung kanino ito ipinadala. Matuto pa.

Mahalagang tandaan na pwedeng mag-screenshot ang ibang Snapchatters , o mag-save ng mga bagay sa pamamagitan ng third-party app. Kaya naman pinakamainam na i-share lang sa mga taong pinagkakatiwalaan mo ang mga bagay na kailangan lang nilang malaman — gaya ng gagawin mo sa totoong buhay!

Happy Snapping!