Ang mga snap na gumagamit ng Sounds ay maaari lamang ipadala o i-post sa pamamagitan ng Services. Hindi ka maaaring magpadala, magbahagi, o mag-post ng Snaps na may Sounds sa services ng third-party. Ang hindi awtorisadong pamamahagi ng Snaps na naglalaman ng Sounds ay isasailalim sa anumang naaangkop na batas, kabilang ang mga batas sa paglabag sa copyright, at sa mga karapatan, patakaran, at awtoridad ng anumang naaangkop na serbisyo ng third-party.
Hanggang sa saklaw na ginagamit mo ang Sounds sa paraang hindi ito sumusunod sa guidelines na ito, posibleng alisin sa Serbisyo ang naturang paggamit nang walang notice sa iyo, at puwede kang sumailalim sa pagpapatupad ng mga naaangkop na batas, kasama ang mga batas sa paglabag sa copyright. Ibinibigay ang music na available sa Sounds gamit ang license mula sa mga third party. Hindi ka pinapayagan na gamitin ang alinman sa music na ito para sa mga layunin ng text mining o data mining nang walang hiwalay na license mula sa (mga) naaangkop na may-ari ng mga karapatan. Inilaan ang lahat ng karapatan sa mga naangkop na may-ari ng karapatan.
Kung ang iyong content ay naglalaman ng musika maliban sa Sounds, ikaw ang responsable sa pagkuha ng anumang kinakailangang lisensya at karapatan na maaaring kailanganin para sa naturang musika. Anumang naturang content ay maaaring i-mute, alisin, o burain kung hindi awtorisado ang iyong paggamit ng musika. Ang paglabag sa Music Guidelines na ito ay maaaring humantong sa pag-deactivate ng iyong Snap account. Maaaring hindi maging available ang Sounds sa lahat ng rehiyon.