Terms of Service ng Specs Inc.
Pagpapatupad: Hunyo 15, 2026
Ginawa namin ang Terms of Service na ito (na tinatawag naming "Terms") para malaman mo ang mga tuntuning namamahala sa aming kaugnayan sa iyo bilang user ng SPECS website, ng SPECS app, o alinman sa aming iba pang produkto o serbisyong sumasailalim sa mga ito (na kolektibong tinutukoy namin bilang "SPECS Services"). Ang Terms na ito ay bumubuo ng legal na kontrata sa pagitan mo at ng Specs Inc. ("Specs"). Kaya pakibasa ang mga ito nang mabuti.
Ang ilang Mga Serbisyo ng SPECS ay personalized at nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa kung paano ito gumagana sa Terms na ito, sa aming Privacy Policy, sa aming Site ng Support, at sa mismong Mga Serbisyo ng SPECS (tulad ng sa mga notice, pahintulot, at settings). Ang mga resources na ito ay sama-samang namamahala sa iyong paggamit ng Mga Serbisyo ng SPECS at bumubuo ng aming kasunduan sa iyo.
Isinasama rin ng Terms na ito ang Terms of Service ng Snap. Ang Mga Serbisyo ng SPECS ay isang "Serbisyo" gaya ng tinukoy sa Terms of Service ng Snap, na bukod sa iba pang bagay, ay nangangahulugang ang iyong paggamit ng Mga Serbisyo ng SPECS ay napapailalim sa mga disclaimer at limitasyon ng pananagutan sa Terms of Service ng Snap.
Sa pamamagitan ng paggamit ng alinman sa aming Mga Serbisyo ng SPECS, sumasang-ayon ka sa Terms. Siyempre, kung hindi ka sumasang-ayon sa Terms, huwag mong gamitin ang Mga Serbisyo ng SPECS.
ISINASAMA NG MGA TUNTUNING ITO ANG SUGNAY NG ARBITRATION SA TERMS OF SERVICE NG SNAP. KUNG NAKATIRA KA SA UNITED STATES, IKAW AT ANG SPECS AY SUMASANG-AYON NA, MALIBAN SA ILANG PARTIKULAR NA URI NG MGA PAGTATALONG BINANGGIT SA SUGNAY NG ARBITRATION NA IYON, ANG MGA PAGTATALO SA PAGITAN NATIN AY MARERESOLBA SA PAMAMAGITAN NG MANDATORY BINDING ARBITRATION, AT IKAW AT ANG SPECS AY NAGPAPAUBAYA NG ANUMANG KARAPATANG LUMAHOK SA ISANG CLASS-ACTION LAWSUIT O CLASS-WIDE ARBITRATION. MAY KARAPATAN KANG MAG-OPT OUT SA ARBITRATION GAYA NG IPINALIWANAG SA SUGNAY NG ARBITRATION NA IYON.
KUNG NAKATIRA KA SA LABAS NG UNITED STATES, MAAARING MAY ILANG KARAGDAGANG KARAPATAN NA NALALAPAT SA IYONG KASUNDUAN SA AMIN. ANG MGA PROBISYON NG TERMS NA ITO AY HINDI NAKAKAAPEKTO SA MGA KARAPATAN AYON SA BATAS NA MAAARING MAYROON KA SA ILALIM NG MGA BATAS SA BANSA KUNG SAAN KA NAKATIRA.
Ang ilan sa aming Mga Serbisyo ng SPECS ay maaaring may mga karagdagang tuntuning naglalaman ng mga probisyon sa pagresolba ng pagtatalo na natatangi sa Serbisyo ng SPECS na iyon o sa iyong tirahan.
Kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo ng Specs sa ngalan ng isang negosyo (sa halip na para sa iyong personal na paggamit), sumasang-ayon ka at ang SPECS na hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng batas, ang lahat ng paghahabol at pagtatalo sa pagitan natin na nagmumula sa o may kaugnayan sa Terms na ito o sa paggamit ng Mga Serbisyo ng SPECS ay sa wakas na ireresolba sa pamamagitan ng nagbubuklod na arbitration sa ilalim ng Mga Tuntunin ng Arbitration ng LCIA, na isinama sa pamamagitan ng pagsangguni sa clause na ito. Magkakaroon ng isang arbitrator (na itatalaga ng LCIA), gaganapin ang arbitration sa London, at isasagawa ang arbitration sa wikang Ingles. Kung ayaw mong sumang-ayon sa clause na ito, hindi mo dapat gamitin ang Mga Serbisyo ng SPECS.
Ang Mga Serbisyo ng SPECS ay hindi nakadirekta sa sinumang wala pa sa edad na 18, at dapat ay 18 taong gulang ka o mas matanda para gamitin ang Mga Serbisyo ng SPECS. Para magamit ang Mga Serbisyo ng SPECS, binibigyan ka ng SPECS ng hindi naitatalaga, hindi eksklusibo, mababawi, at hindi sublicensable na lisensya alinsunod sa Terms na ito at aming mga patakaran. Ang aming mga virtual na try-on feature ay nagbibigay ng mga approximation lang at hindi namin ginagarantiya ang tumpak na fit o sukat.
Maaari kaming mag-alok ng karagdagang Mga Serbisyo ng SPECS na may karagdagang terms na maaaring mangailangang maging mas matanda ka para magamit ang mga ito. Kaya pakibasa nang mabuti ang lahat ng naturang terms. Sa pamamagitan ng paggamit sa Mga Serbisyo ng SPECS, iyong kinakatawan, ginagarantiya, at sinasang-ayunan na:
maaari kang bumuo ng nagbubuklod na kontrata sa SPECS;
hindi ka isang tao na pinagbabawalang gumamit ng Mga Serbisyo ng SPECS sa ilalim ng mga batas ng Estados Unidos o anumang iba pang naaangkop na hurisdiksyon — kabilang, halimbawa, na hindi ka kasama sa listahan ng U.S. Treasury Department ng Specially Designated Nationals o hindi ka nahaharap sa anumang iba pang katulad na pagbabawal;
hindi ka isang nahatulang sex offender; at
susunod ka sa Terms na ito (kabilang ang anumang iba pang tuntunin at patakaran na binanggit sa Terms na ito) at lahat ng naaangkop na lokal, pang-estado, pambansa, at internasyonal na batas, patakaran, at regulasyon.
Kung ginagamit mo ang Mga Serbisyo ng SPECS sa ngalan ng isang negosyo o iba pang entity, kinakatawan mo na awtorisado kang iugnay ang negosyo o entity na iyon sa Terms na ito at sumasang-ayon ka sa Terms na ito sa ngalan ng negosyo o entity na iyon (at ang lahat ng pagtukoy sa "ikaw" at "iyong" sa Terms na ito ay nangangahulugang ikaw bilang end user at ang negosyo o entity na iyon).
Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Maaari mong malaman kung paano pinangangasiwaan ang iyong impormasyon kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo ng SPECS sa pamamagitan ng pagbabasa ng aming Privacy Policy.
Sa pagitan mo at namin, ang SPECS ang may-ari ng Mga Serbisyo ng SPECS, na kinabibilangan ng lahat ng kaugnay na brand, mga gawa ng pag-akda, software, at iba pang pagmamay-aring content, mga feature, at teknolohiya. Ang Mga Serbisyo ng SPECS ay maaari ring masaklaw ng mga patent na pag-aari ng SPECS o mga affiliate nito, kabilang iyong mga nakalista sa www.specs.com/patents.
Dapat mo ring gawing igalang ang mga karapatan ng SPECS at sumunod sa SPECS Brand Guidelines, at anumang iba pang guideline, mga page ng support, o mga FAQ na na-publish ng SPECS o aming mga affiliate. Nangangahulugan iyon, bukod sa iba pang bagay, hindi mo maaaring gawin, tangkaing gawin, bigyang-daan, o hikayatin ang sinuman na gawin, ang anuman sa mga sumusunod at ang paggawa nito ay maaaring magresulta sa pagwawakas o pagsuspinde namin sa iyong access sa Mga Serbisyo ng SPECS:
paggamit ng branding, mga trademark, mga logo, mga icon, mga elemento ng user interface, hitsura at pakiramdam ng produkto o brand, mga disenyo, mga litrato, mga video, o anumang iba pang materyales na ginagawang available ng SPECS sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng SPECS, maliban kung hayagang pinahihintulutan ng Terms na ito, ng SPECS Brand Guidelines, o iba pang brand guidelines na na-publish ng Specs o aming mga affiliate.
Bilang buod: Pagmamay-ari o kinokontrol namin ang lahat ng content, feature, at functionality ng Mga Serbisyo ng SPECS. Upang matiyak na protektado ang Mga Serbisyo ng SPECS at iba pang user mula sa pinsala, may mga tuntuning kailangan naming sundin mo kapag ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo ng SPECS.
Pinapahalagahan ng Specs ang trademark, copyright, at iba pang batas sa intellectual property, kabilang na ang Digital Millennium Copyright Act at gumagawa ng mga makatuwirang hakbang para mabilis na tanggalin mula sa aming Mga Serbisyo ng Specs ang anumang lumalabag na materyal na malalaman namin. Kung naniniwala kang lumalabag ang anumang nasa Mga Serbisyo ng Specs sa isang copyright na pag-aari o kinokontrol mo, paki-report ito gamit ang form na maa-access sa tool na ito. O maaari ka ring magsampa ng notice sa aming itinalagang ahente: Specs Inc., Attn: Copyright Agent, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, email: copyright@specs.com. Huwag gamitin ang email address na ito para sa kahit anong baga bukod sa pagre-report ng paglabag sa copyright, dahil babalewalain ang mga naturang email. Para mag-report ng iba pang anyo ng paglabag, kabilang ang paglabag sa trademark, sa Mga Serbisyo ng SPECS, pakigamit ang tool na maa-access dito.
Sa buod: Kung nakakita ka ng anumang bagay na pinaniniwalaan mong lumalabag sa iyong mga karapatan sa intellectual property, ipaalam sa amin.
Walang humpay kami sa pagpapabuti ng aming Mga Serbisyo ng SPECS at lumilikha kami ng mga bago sa lahat ng oras. Nangangahulugan iyong maaari kaming magdagdag o magtanggal ng mga feature, produkto, o functionality, at maaari rin naming suspendihin o itigil ang Mga Serbisyo ng SPECS nang sama-sama. Maaari naming isagawa ang alinman sa mga aksyong ito anumang oras sa anumang dahilan, at kapag ginawa namin ito, maaaring hindi ka namin bigyan ng anumang paunang abiso.
Nangangahulugan din itong maaaring kailanganin naming i-update ang Terms na ito para ipakita ang anumang pagbabago sa aming Mga Serbisyo ng SPECS o kung paano namin ibinibigay ang mga ito, pati na rin para sumunod sa mga legal na kinakailangan, o para sa iba pang legal o panseguridad na dahilan. Kung materyal ang mga pagbabagong iyon sa Terms na ito, bibigyan ka namin ng makatuwirang paunang notice (maliban kung kinakailangan ang mga pagbabago nang mas maaga, halimbawa, bilang resulta ng pagbabago sa mga legal na kinakailangan o kung saan kami naglulunsad ng bagong Mga Serbisyo o feature ng SPECS). Kung patuloy mong gagamitin ang Mga Serbisyo ng SPECS sa sandaling magkabisa ang mga pagbabago, tatanawin namin iyon bilang iyong pagtanggap.
Sa buod: Magbabago at huhusay ang Mga Serbisyo ng SPECS sa paglipas ng panahon. Maaari naming i-update ang Terms na ito paminsan-minsan para ipakita ang mga pagbabagong ito o para sa iba pang dahilan.
PAKIBASA NANG MABUTI ANG SUGNAY NG ARBITRATION SA TERMS OF SERVICE NG SNAP DAHIL ITINATADHANA NG MGA ITO NA IKAW AT ANG MGA SPECS AY SUMASANG-AYONG LUTASIN ANG LAHAT NG PAGTATALO SA PAGITAN NATIN SA PAMAMAGITAN NG NAGBUBUKLOD NA INDIBIDWAL NA ARBITRATION AT MAY KASAMA ITONG WAIVER SA CLASS ACTION AT JURY TRIAL WAIVER.
Mag-opt Out. Maaari kang mag-opt out sa Kasunduan sa Arbitration gaya ng ipinaliwanag sa Terms of Service ng Snap. Ang contact information para sa iyong notice sa pag-opt out ay: Specs Inc., Attn: Arbitration Opt-out, 3000 31st Street, Santa Monica, CA 90405, o i-email ang notice sa pag-opt out sa arbitration-opt-out@specs.com.
Sa buod: Maliban kung ginamit mo ang karapatan mong mag-opt out, lulutasin mo at ng SPECS ang lahat ng paghahabol at pagtatalo sa pamamagitan muna ng impormal na proseso ng paglutas ng pagtatalo at, kung hindi nito malulutas ang isyu, sa indibidwal na batayan gamit ang nagbubuklod na arbitration. Nangangahulugan itong hindi ka maaaring magsimula ng class action suit laban sa amin kung magkaroon ng claim o pagtatalo.
Maliban kung na-preempt ng U.S. federal law, ang mga batas ng California, maliban sa conflict-of-laws na mga prinsipyo nito, ang ipapatupad sa Terms na ito at anumang claim at pagtatalo (kontrata man, tort, o iba pa) na nagmumula sa o may kaugnayan sa Terms na ito o sa paksa ng mga ito.
Kung residente ka ng California, alinsunod sa Cal. Civ. Code § 1789.3, maaari kang mag-report ng mga reklamo sa Complaint Assistance Unit ng Division of Consumer Services ng California Department of Consumer Affairs sa pamamagitan ng pag-contact sa kanila nang pasulat sa 1625 North Market Blvd., Suite N 112 Sacramento, CA 95834, o sa pagtawag sa (800) 952-5210.
Ang Terms na ito, kabilang ang karagdagang terms na binanggit sa simula, ang bumubuo sa buong kasunduan sa pagitan mo at ng Specs, at pumapalit ito sa anumang naunang kasunduan. Ang Terms na ito ay hindi gumagawa o nagbibigay sa anumang third-party ng mga beneficiary na karapatan. Kung hindi namin ipinapatupad ang isang probisyon sa Terms na ito, hindi ito ituturing na waiver ng aming mga karapatan na ipatupad ang Terms na ito. Nakalaan sa amin ang karapatang ilipat ang aming mga karapatan sa ilalim ng Terms na ito at ibigay ang Mga Serbisyo ng SPECS gamit ang ibang entity, sa kondisyong itinataguyod ng entity na iyon ang Terms na ito. Hindi ka maaaring maglipat ng anumang karapatan o obligasyon sa ilalim ng Terms na ito nang walang pahintulot namin. Nakalaan sa amin ang lahat ng karapatang hindi hayagang ibinigay sa iyo.
Malugod na tinatanggap ng Specs ang mga komento, tanong, concern, o suhestyon. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin o kumuha ng support dito. Lagi naming gustong makarinig mula sa aming mga user. Pero kung magbibigay ka ng feedback o mga mungkahi, pakitandaang maaari naming gamitin ang mga iyon nang hindi ka binabayaran, at nang walang anumang paghihigpit o obligasyon sa iyo. Sumasang-ayon ka na kami ang magmamay-ari sa lahat ng karapatan sa anumang bagay na nabuo namin batay sa naturang feedback o mga suhestiyon.
Matatagpuan ang Specs Inc. sa United States sa 3000 31st Street, Santa Monica, California 90405.