Terms ng Migration ng Snap Account
Pagpapatupad: Hulyo 1, 2026
NOTICE NG ARBITRATION: NAPAPAILALIM KA SA PROBISYON NG ARBITRATION NA NAKASAAD SA TERMS NG MGA SERBISYO NG NEGOSYO. KUNG NAKIKIPAGKONTRATA KA SA SNAP INC., KAYO NG SNAP INC. AY ISINUSUKO ANG ANUMANG KARAPATANG SUMALI SA ISANG CLASS ACTION LAWSUIT O CLASS-WIDE ARBITRATION.
Ang Terms ng Migration ng Snap Account na ito ("Terms ng Migration ng Account") ay bumubuo ng legal na kontrata sa pagitan mo at ng Snap, at pinapamahalaan nito ang iyong paggamit ng migration feature ng Snap Account ("Migration Feature"). Isinama ang Terms ng Migration ng Account na ito sa Terms ng Mga Serbisyo ng Negosyo. Ang ilang terms na ginamit sa Terms ng Migration ng Account na ito ay tinukoy sa Terms ng Mga Serbisyo ng Negosyo. Ang Migration Feature ay isa sa Mga Serbisyo ng Negosyo.
Ang Migration Feature ng Snap ay nagbibigay-daan sa paglipat ng ilang partikular na impormasyon, data, at content ("Migration Assets") mula sa pinagmumulang account na pag-aari ng isang indibidwal o entity ("Source Account") papunta sa target account na maaaring pag-aari ng ibang indibidwal o entity ("Target Account"). Kung hihiling ang may-ari ng Source Account ng paglilipat, at tatanggapin ng may-ari ng Target Account ang paglilipat na iyon, maaaring maglipat ang Snap ng anumang kwalipikadong Migration Assets sa sarili nitong pagpapasya.
a. Kung ikaw ang may-ari ng isang Source Account:
i. Kung hindi ka ganap na makakasunod sa Terms ng Migration ng Account na ito sa lahat ng iminungkahing Migration Asset, hindi ka dapat mag-request ng paglipat ng Migration Assets.
ii. Kinakatawan at ginagarantiya mong nakuha at papanatilihin mo ang lahat ng kinakailangang karapatan, lisensya, at pahintulot (kabilang ang mula sa anumang naaangkop na data subject (gaya ng tinukoy sa Terms ng Mga Serbisyo ng Negosyo), at kung saan kinakailangang sumunod sa Naaangkop na Batas) para mailipat ang Migration Assets sa Target Account ng Snap.
a. Kung ikaw ang may-ari ng isang Target Account:
i. Makakatanggap ka ng request na aprubahan ang paglipat ng Migration Assets mula sa Source Account.
ii. Sa pag-apruba ng request mula sa Source Account, ganap kang mananagot at responsable sa Snap sa ilalim ng Terms ng Serbisyo ng Negosyo para sa Migration Assets na para bang ikaw ang nag-apruba, nagbigay, nagpa-available, o nagbigay-daan sa Snap na matanggap ang Migration Assets na iyon sa ngalan ng may-ari ng Source Account. Alinsunod dito, ang lahat ng representasyon, garantiya at mga undertaking at iba pang obligasyon "mo" na may kaugnayan sa Migration Assets sa ilalim ng Terms ng Serbisyo ng Negosyo (kabilang iyong mga nauugnay sa pagkolekta, probisyon, o paggawang available sa Migration Assets alinsunod sa Terms ng Serbisyo ng Negosyo) ay ipapakahulugan bilang iyong mga representasyon, garantiya at mga undertaking at iba pang obligasyon, bilang may-ari ng Target Account (at hindi ng Snap, o anumang third party).
iii. Kinikilala at sinasang-ayunan mong pagkatapos kaagad ng pag-apruba mo sa request mula sa Source Account, ikaw ang responsable para sa lahat ng mga Singil mula sa puntong iyon at magpakailanman (gaya ng tinukoy sa Terms ng Pagbabayad).
iv. Kung hindi ka ganap na makakasunod sa Terms ng Migration na ito kaugnay ng lahat ng iminungkahing Migration Asset, hindi ka dapat sumang-ayon sa paglipat ng impormasyon, data, o content na iyon, kung naaangkop.
b. Maaaring hindi gumana ang ilang Migration Asset maliban kung o hanggang sa makumpleto mo ang mga karagdagang hakbang, reconfiguration, reauthentication, o iba pang kinakailangan sa loob ng mga tinukoy na timeframe. Ang ilang partikular na Migration Asset ay maaari ring mangailangan ng karagdagang pag-set up, mga account, mga pahintulot, o mga pagsasaayos sa mga naaangkop na provider o partner. Walang Migration Asset na ililipat maliban kung nagdagdag ng valid na paraan ng pagbabayad sa Target Account.
Itinatakda ng Terms ng Migration na ito ang buong pag-unawa at kasunduan sa pagitan mo at ng Snap tungkol sa iyong paggamit ng Migration Feature, at pinangingibabawan nito ang lahat ng iba pang kasunduan sa pagitan mo at ng Snap tungkol sa Migration Feature.