Snapchat Referral Reward Program Terms
May bisa sa: August 15, 2025
ABISO NG ARBITRATION: KUNG NAKATIRA KA SA UNITED STATES O KUNG NASA UNITED STATES ANG PANGUNAHING LUGAR NG NEGOSYO MO, SAKLAW KA NG ARBITRATION PROVISION NA ITINAKDA SA SNAP INC. TERMS OF SERVICE.
Basahin nang mabuti ang Snapchat Referral Reward Program Terms. Bumubuo ng isang legal na kasunduan ang mga Snapchat Referral Reward Program Terms na ito sa pagitan mo at ng Snap, at pinamamahalaan ang paglahok mo sa anumang programa ng Snap kung saan puwede kang mag-imbita ng mga posibleng user na gumawa ng account sa Snapchat kapalit ng isang reward ("Snapchat Referral Reward Program"). Kasama sa mga Snapchat Referral Reward Program Terms na ito ang Snap Terms of Service, Community Guidelines at iba pang naaangkop na terms, guidelines at mga patakaran. Kapag may conflict sa pagitan ng mga Snapchat Referral Program Terms na ito at iba pang terms, ang mga Snapchat Referral Program Terms na ito ang masusunod. Bahagi ng "Mga Serbisyo" ng Snap ang Snapchat Referral Reward Program, gaya ng nakasaad sa Snap Terms of Service.
a. Nakabatay sa pagsunod mo sa Snapchat Referral Reward Program Terms at iba pang pamantayan sa pagiging kuwalipikado na tinukoy o itinakda namin sa iyo batay sa aming sariling pagpapasya ("Pamantayan sa Pagiging Kuwalipikado"), posibleng payagan ka namin na lumahok sa Snapchat Referral Reward Program. Kapag natanggap ka sa Snapchat Referral Reward Program, posible kang payagan na mag-imbita ng mga indibidwal ("Invitee") na gumawa ng Snapchat account ("Mag-sign up"), kapalit ng pagbibigay sa iyo ng Snapchat ng isang reward na itinakda sa iyo gamit ang Mga Serbisyo ("Reward") .
b. Bibigyan ka ng Snap na may unique URL link na puwede mong ibahagi sa Mga Invitee ("Link ng Imbitasyon"). Gagamitin mo lang ang Invite Link para sa pag-imbita ng mga Invitee kaugnay ng Snapchat Referral Reward Program.
a. Magiging available lang ang Snapchat Referral Reward Program (kasama ang panahon kung kailan dapat gawin ang Sign-ups) sa isang partikular na panahon na ipapaalam sa iyo ng Services ("Reward Program Period"), sumasailalim ito sa availability, at posibleng naming tanggalin kahit kailan namin gusto. Para ma-unlock ang Reward Program Period, kailangan mong matugunan ang Pamantayan sa Pagiging Kuwalipikado na ipinaalam sa iyo sa Services o nakasaad sa mga Snapchat Referral Reward Program Terms (halimbawa, bilang ng Sign-ups).
b. Para maging kuwalipikado sa Reward Program Period, kailangang matugunan mo o ng Inimbitahan (kung naaangkop) ang mga sumusunod na pamantayan: (i) kailangang gumawa ang Inimbitahan ng account sa Services sa pamamagitan ng paggamit ng Invite Link mo; (ii) kailangang gumawa ang Inimbitahan ng account sa Snapchat sa loob ng kuwalipikadong panahon na ipinaalam sa iyo gamit ang Services. Pagkatapos ng nasabing kuwalipikadong panahon, mage-expire ang Invite link at hindi na magagamit; (iii) wala pa dapat account ang inimbitahan o hindi pa kailanman nagkaroon ng account sa Services; (iv) kailangan nakatira ka sa bansang nakatakda sa iyo sa Services; at (v) dapat maganda ang standing ng Snapchat account mo at hindi sumasailalim sa anumang aktibong imbistigasyon o pinapatupad na aksyon ng Snap dahil sa paglabag sa Snapchat Referral Reward Program Terms, Community Guidelines, o anumang Snap terms o mga patakaran.
c. Hindi mo dapat gawin ang anuman sa sumusunod habang kasali ka sa Snapchat Referral Reward Program ("Mga Ipinagbabawal na Aktibidad"): (i) i-spam ang mga Inimbitan ng Invite Link o iba pang content, kabilang ang paggamit ng automated o semi-automated na paraan; (ii) magpadala ng mga imbitasyon kahit hindi naman hinihingi ng mga Inimbitahan; (iii) magpadala ng anumang content na hindi sumusunod sa aming Community Guidelines; (iv) paggamit ng hindi totoo at mapanlinlang na paraan para makakuha ng Sign-ups, kabilang ang automatic o mapanlinlang na pagredirect sa mga bisita, mga blind text link, mga mapanlinlang na link, o mga puwersahang click; (v) gumawa ng hindi totoo o hikayatin ang iba na gumawa ng hindi totoong mga Snapchat account kabilang ang paggamit ng mga bot o ibang hindi tao o automated na paraan; (vi) mag-alok ng bayad o anumang kapalit sa mga Inimbitahan para gumawa ng account sa Services; (vii) subukang gayahin ang Snap o iba pang tao, o ihayag na may kaugnayan sa Snap; (viii) magpadala ng content na naglalamaan ng anumang virus, Trojan horses, worms, time bombs, cancelbots, o iba pang mga computer programming routines na inilaan para makasira, makialam, o palihim na magnakaw ng anumang system, data, personal na impormasyon; o (ix) magpadala ng content na lumalabag o kumukuha ng intellectual property ng mga third party.
d. Posibleng hindi isama ng Snap ang ilang Sign-ups form sa pagsasaalang-alang, na sa tingin nila ay hindi maiuugnay sa URL link mo o na may kinalaman sa isa o higit pang Mga Pinagbabawal na Aktibidad.
Walang katumbas na cash ang mga Panahon ng Reward Program at hindi puwedeng ipagpalit sa cash o iba pang benepisyo, o ilipat, italaga, iregalo ulit, o ipagbili ulit sa sinumang tao o anumang acount. Posibleng limitahan ng Snap ang bilang ng mga Panahon ng Reward Program kung saan posibleng kuwalipikado kang makatanggap o magpatupad ng iba pang limitasyon batay sa sarili nitong pagpapasya. Posibleng bawiin o kanselahin ng Snap ang anumang Panahon ng Reward Program kahit kailan batay sa sarili nitong pagpapasya, kasama ang kapag natuklasan naming lumabag ka sa Snapchat Referral Reward Program Terms o sa Community Guidelines pagkatapos magsimula ang Panahon ng Reward Program.
a. Para maging kuwalipikado sa Snapchat+ bilang Reward ("Snapchat+ Reward Program"), kailangan mong matugunan ang mga sumusunod sa criteria: (i) hindi ka pa kailanman naging subscriber ng Snapchat+; at (ii) nakatira ka dapat sa US.
b. Sumasailalim sa mga Snapchat Referral Reward Program Terms na ito at sa Pamantayan sa Pagiging Kuwalipikado, hindi kasama ang buddy passes at libreng pag-restore ng streak.