Notice sa Privacy ng Shopping Suite ng Snap
May bisa: Agosto 1, 2023
Nagbibigay ang Snap ng Shopping Suite ng mga feature para sa mga mamimiling gustong bumili ng mga damit, sapatos, at accessory, kabilang ang aming mga serbisyo ng Fit Finder (maa-access sa pamamagitan ng mga salita gaya ng 'Find my size,' 'Fit Finder,' o 'Size Finder'), Try-On sa AR, 3D Viewer, at Style Finder. Gumagamit ang mga teknolohiyang ito ng mga cutting-edge na machine learning algorithm batay sa impormasyon ng fit at size na ibinigay ng mga mamimili, data ng pagbili at pagbabalik, at mga obserbasyon sa pagba-browse ng mamimili para magbigay ng mga rekomendasyon sa laki at style.
Ginawang available ang mga feature ng Shopping Suite sa mga website at app ng aming mga partner shop bilang kapalit ng komisyon. Nangangahulugan itong:
Ibiginay sa iyo ang aming mga feature sa Shopping Suite na walang singilin.
Nagbibigay sa iyo ang aming mga feature sa Shopping Suite ng opsyonal na tulong at hindi sila kinakailangan upang bumili.
Kung pipiliin mong gamitin ang alinman sa aming mga feature sa Shopping Suite, mangongolekta kami ng impormasyon tungkol sa mga pagbili mo sa aming mga kasosyong tindahan para pwede kaming maningil ng bayad sa kanila.
Idinisenyo ang notice na ito para ipaalam sa iyo kung 'sino, ano, at paano' pinoproseso ang personal na impormasyon kapag ginagamit mo ang aming Shopping Suite.
Kapag ginagamit mo ang aming Shopping Suite, kinokolekta namin ang personal na impormasyon tungkol sa iyo. Pinapangasiwaan ito ng Snap Inc. Sa Snap, isinasapriyoridad namin ang privacy mo. Alam naming nakukuha ang pagtitiwala mo sa tuwing ginagamit mo ang aming mga produkto at serbisyo. Kung mayroon kang anumang mga katanungan, makipag-ugnayan lang sa amin.
Pwede kaming mangolekta ng personal na impormasyon tungkol sa iyo kapag binisita mo ang anuman sa mga website at app ng mga partner shop namin: (i) kung pipiliin mong gamitin ang mga feature sa Shopping Suite namin o (ii) kung pinapahintulutan ang aming hindi importanteng cookies.
Ang mga kategorya ng personal na impormasyon na pwede naming kolektahin ay:
Kategorya
Ano ito?
(Mga) halimbawa
Saan ito nagmumula?
Profile ng Shopper
Ito ang impormasyong ibinibigay mo sa amin sa pamamagitan ng tool sa pagrerekomenda ng size at fit. Ginagamit namin ang mga aktwal na measurement mo - at hindi kami naghihinuha ng iba pang impormasyon mula sa mga ito.
- Mga measurement, tulad ng Taas, Timbang, Sukat ng Bra
- Demograpiko, tulad ng Kasarian, Edad
- Reference na item sa pananamit o brand
- Hugis ng Katawan
- Fit Preference
Ikaw
Na-upload na Imaheng Try-On Data
Kung gagamitin mo ang feature na ito, kakailanganin mong mag-upload ng photo o kumuha ng isa gamit ang camera namin. Gagamitin namin ito para awtomatikong gumawa ng pangalawang larawan na nagpapakita ng iyong napiling produkto.
Isang photo na kinunan o na-upload mula sa mobile device mo (hal. phone o tablet) o computer
Ikaw ang nagbibigay ng larawan mo.
Kami ang gumagawa ng larawan sa 2D Try On.
Live Camera Try-On Data
N/A
Kapag nasa frame ng camera ang katawan mo, ipoproseso ang impormasyon tungkol sa mga bagay na iyon sa device para matukoy kung nasaan ang mga bahagi ng katawan para maayos na ilapat ang (mga) pinili mong produkto sa iyo.
Maaaring itong gumamit ng impormasyon tungkol sa mukha, mga kamay at katawan mo. Alamin Pa
Ang Live Camera Try-On Data ay nabuo sa device mo. Hindi kami nangongolekta ng ganitong impormasyon
Mga User ID ng Shopping Suite
Ang mga ito ay (mga) unique na code na itinatalaga namin sa iyo. Posibleng kabilang sa mga ito ang isang ‘hashed’ na IP address at pwedeng i-store ang mga ito sa iyong device sa cookies.
Pwedeng ganito ang hitsura ng mga code: s%3AURyekqSxqbWNDr1uqUTLeQ6InbJ-_qwK.ZDEycZECULwUmwSp2sVvLd-Ge431SMSpNo4wWGuvsPwI
Gumagawa ang serbisyo namin ng ganitong mga ID
User ID sa Tindahan (kung available)
Ito ay isang unique na identifier na itinatalaga sa iyo ng tindahang binibisita mo at na pwedeng ibahagi sa amin ng tindahan.
Ito ay karaniwang bagong alphanumeric code (hal., 908773243473), pero pwedeng maging iba pang (mga) ID na ginagamit na ng tindahan para makilala ang iyong browser/device.
(Mga) may-ari ng tindahan
Data sa Pagbili at Pagbabalik
Mga detalye ng mga pagbiling ginagawa mo sa mga partner na tindahan, kabilang ang kung ibinalik mo ang mga ito. Posibleng kabilang dito ang mga detalye ng mga dating pagbili at pagbabalik.
Order: 10343432; Produkto: 245323; Size L; Ibinalik
(Mga) may-ari ng tindahan (at Shopify kung hino-host nito ang Tindahan)
Data ng Event
Impormasyon ito tungkol sa paggamit mo ng mga feature sa Shopping Suite namin at mga website at app ng partner shop namin.
Mga Halimbawa: Tiningnan ang rekomendasyon para sa product A; Nag-click sa pahina X sa Shop Y; tiningnan ang ProductID 245323; Binuksan ang Fit Finder; nag-submit ng Shopper Profile; Nagrekomenda ng Size M
Binubuo ng serbisyo namin ang data na ito
Teknikal na Data
Impormasyon ito tungkol sa device, merchant app at/o browser na ginagamit mo para ma-access ang mga feature sa Shopping Suite namin
Uri ng browser o app + bersyon, operating system, pangalan ng device, IP address, kung ano ang kini-click mo, at mga error na nangyayari.
Ang device, merchant app at/o o browser mo
Kapag ginagamit ang Shopping Suite namin sa website o app ng partner shop, pwede naming gamitin ang personal na impormasyong kinokolekta namin para:
Layunin
Paglalarawan
Mga Kategorya ng Data
Pangangatwiran (Legal na batayan sa ilalim ng EU/UK GDPR at katulad nito)
Mga rekomendasyon sa size at style
Para ibigay ang aming mga solusyon sa sariling pagpapahusay sa size, fit, at style kapag mag-request ka nito. Kung saan available, nilalayon nitong matiyak na iniangkop ang mga rekomendasyon sa size at style ng product sa size at style mo, na natututo mula sa nakaraan mong gawi at ng iba pa.
- Profile ng Shopper
- User ID ng Shopping Suite
- User ID ng Shop
- Data sa Pagbili at Pagbabalik
- Data ng Event
Kontrata. Kinakailangan ang pagprosesong to para mabigyan ka ng mga serbisyong ni-request mo sa ilalim ng aming terms.
Try-On
Para bigyan ka ng Serbisyo ng AR Try-On namin (na may mga na-upload na larawan at live na camera) kapag mag-request ka nito. Kung saan available, nilalayon nitong bigyan ka ng virtual na try-on na karanasan sa na-upload mong imahe para sa product na tinitingnan mo.
Na-upload na Imaheng Try-On Data
Live Camera Try-On Data
Kontrata. Kinakailangan ang pagprosesong ito para bigyan ka ng mga serbisyong ni-request mo sa ilalim ng amingterms.
Tandaang pinoproseso sa device ang Live Camera Try-On Data. Hindi namin natatanggap ang impormasyong ito.
Pagsingil ng Komisyon
Para subaybayan ang mga pagbili mo pagkatapos mong gamitin ang mga feature ng Shopping Suite namin para pwede kaming maningil ng komisyon sa partner shop
- User ID ng Shopping Suite
- Data sa Pagbili at Pagbabalik
Kontrata. Kinakailangan ang pagprosesong to para mabigyan ka ng mga serbisyong ni-request mo sa ilalim ng aming terms.
Anonymous na Statistics
Para makagawa ng mga istatistika para masukat ang performance ng serbisyo, maghikayat ng mga pagpapahusay, at makapagbahagi sa aming mga partner at iba pa.
Lahat (maliban sa Mga Na-upload na Imaheng Try-On Data at Live Camera Try-On Data)
Lehitimong Interes. Kapaki-pakinabang ang pagpoprosesong ito para sa lahat (pati na rin sa iyo). Ang mga istatistika ay naka-anonymize at ipinapakita sa hindi personal at sama-samang paraan.
Pagpapahusay at Pag-unlad
Para mangolekta ng karagdagang impormasyon para sa o higit pang pangkalahatang paggamit ng analytics at pagpapahusay at pagpapaunlad ng product at serbisyo ng Snap.
- User ID ng Shopping Suite
- Karagdagang Data ng Pagbili at Pagbabalik, Data ng Kaganapan, Teknikal na Data
Lehitimong Interes. Kapaki-pakinabang ang pagpoprosesong ito para sa amin at sa mga user ng aming mga produkto at serbisyo. Kung tatanggihan mo ang hindi mahahalagang cookies sa mga website, app ng partner shop, lilimitahan nito ang data na nakolekta para sa layuning ito.
Corporate
Para sa mga layuning nauugnay sa batas (kabilang ang pagpapatupad ng aming terms of service), kaligtasan, seguridad, accounting, audit, at pagbebenta ng negosyo/asset (o mga katulad)
Lahat (maliban sa Live Camera Try-On Data)
Legal na obligasyon o Lehitimong Interes. Ang pagpoprosesong ito ay: (1) iniaatas ng batas; o (2) mahalaga para sa lehitimong interes na protektahan ka, kami, ang aming mga partner na shops, at/o ang mga third party (hal., mga investor/mamimili).
Pwede naming ibahagi sa ilang partikular na third party ang personal na impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo:
Mga Layunin
Mga Third Party
Bakit?
Mga Kategorya ng Data
Lahat
Mga provider ng serbisyo (kabilang ang affiliate at mga subsidiary na kumpanya ng Snap)
Kumikilos ang mga third party na ito sa ngalan namin para tulungan kaming magproseso ng personal na impormasyon para sa mga layuning ipinapaliwanag sa itaas. Posibleng kabilang dito ang mga serbisyo sa data analytics, pagho-host, pagpoproseso, seguridad, at suporta.
Lahat (maliban sa Live Camera Try-On Data)
Legal (kabilang ang pagpapatupad ng aming terms of service), seguridad, accounting, audit, at pagbebenta ng negosyo/asset (o katulad)
Mga Abogado, Accountant, Consultant, Auditor, Tagabili, Regulator, Hukuman, o katulad
Posibleng kailangan ng mga third party na ito na tumingin ng personal na impormasyon para makapagbigay ng payo, makapagsuri ng risk/value, o maisagawa ang kanilang mga tungkulin. Pinapangasiwaan ng mga ito kung paano ito nangyayari, pero nililimitahan ng batas o kontrata ang pwedeng gawin ng mga ito.
Lahat (maliban sa Live Camera Try-On Data)
Ang cookies at iba pang mga bagay sa pag-track ay maliliit na piraso ng data na ipinadala mula sa amin o mga web server sa aming partner shop at naka-store sa computer mo sa pamamagitan ng web browser mo habang nagba-browse ka ng website. Kapag nag-browse ka sa mga website, app, store sa Snapchat, o store sa Shopify ng isa sa aming mga partner na tindahan, babasahin ng code namin sa website na iyon ang cookies at iba pang object sa pagsubaybay at ipapadala ang mga ito sa aming mga system. Ang cookies at iba pang object sa pagsubaybay ay idinisenyong maging maaasahang paraan para sa mga kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo sa pamamagitan ng website at app na tandaan ang impormasyon at/o mag-record ng aktibidad sa pag-browse ng bisita.
Pwedeng i-store o i-access ng mga feature sa Shopping Suite namin ang sumusunod na cookies at mga bagay sa pag-track kapag binisita mo ang mga website at app ng mga partner shop namin. Kung kinakailangan, hindi kami mag-a-access o magso-store ng hindi mahahalagang cookies maliban kung magbibigay ka ng pahintulot sa pamamagitan ng mekanismo ng pahintulot ng cookie ng mga partner shop namin.
Pangalan
Kailan ito pwedeng i-access?
Uri
Function
Tagal
sc-ares-sid.[shop domain]
First party: Ang cookies na ito ay pwedeng i-access ng Snap mula sa website ng shop kung saan ito ginawa.
(Pwede ring ma-access ang Shop User ID mula sa web page bilang kapalit / karagdagan sa cookie na ito)
Mahalaga
Para matandaan ang data tungkol sa iyo sa partikular na partner shop at ibigay ang mga feature ng Shopping Suite namin gaya ng ni-request mo.
13 buwan mula sa huling paggamit
sc-ares-guid
f
Third party: Ang cookie na ito ay pwedeng i-access ng Snap kapag bumisita ka sa website ng anumang partner na shop. Tandaan: Depende sa iyong browser, posibleng kailangan mong payagan ang cookie na ito sa mga setting ng browser mo, kung hindi ay maba-block ito.
(Pwede ring ma-access ang Shop User ID mula sa web page bilang kapalit / karagdagan sa cookie na ito)
Mahalaga
Para matandaan ang data tungkol sa iyo sa partikular na partner shop at ibigay ang mga feature ng Shopping Suite namin gaya ng ni-request mo.
13 buwan mula sa huling paggamit
sc-ares-uid.[shop domain]
First party: Pwedeng ma-access ng Snap ang cookie na ito mula sa website ng shop kung saan ito ginawa.
( Pwede ring ma-access ang User ID ng Shop mula sa web page bilang kapalit / karagdagan sa cookie na ito)
Mahalaga
Para subaybayan ang mga pagbiling gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga feature ng Shopping Suite namin para pwede naming singilin ang partner shop ng komisyon.
40 araw mula sa huling paggamit
sc-ares-merchant-uid[shop domain]
Unang party: Pwedeng i-access ng Snap ang cookie na ito mula sa website ng shop kung saan ito ginawa (maliban kung tatanggihan mo ang pahintulot kung saan may mekanismo ng pahintulot ng cookie ang website). .
(Pwede ring ma-access ang Shop User ID mula sa web page bilang kapalit / karagdagan sa cookie na ito)
Hindi Mahalagang Analytics
Para matandaan ang karagdagang hindi mahalagang data tungkol sa gawi mo sa pamimili sa partikular na partner shop para sa pangkalahatang analytics at product ng Snap at pagpapabuti at pag-unlad ng serbisyo
13 buwan mula sa huling paggamit
Dine-delete namin o ginagawa naming anonymous ang iyong personal na impormasyon pagkalipas ng 13 buwan mula sa petsa kung kailan ito huling ginamit, maliban ang:
Mga unhashed na IP address, na pansamantalang sino-store para sa mga dahilang may kaugnayan sa pagpapatakbo.
Na-upload na Mga Imahe na Try-On na Data, na agad na tinatanggal pagkatapos maibigay ang imaheng ipinapakita ang product.
Live Camera na Try-On Data, na pinoproseso sa device at hindi namin naa-access
Data ng Pagbili at Pagbabalik na nakolekta gamit ang Mga User ID ng Shopping Suite para lang sa Pagsingil ng Komisyon, na naka-anonymise pagkatapos ng 40 araw mula sa huling paggamit (Tandaan: Hindi ito malalapat kung mag-request ka ng aming mga rekomendasyon sa laki at style, dahil ginagamit din ng feature na ito ang Data sa Pagbili at Pagbabalik at buburahin o i-a-anonymise pagkalipas ng 13 buwan mula sa petsa ng huling paggamit.)
Tandaan na bagama't idinisenyo ang aming mga system na awtomatikong isagawa ang aming mga kagawian sa pag-delete at pag-anonymize, may mga sitwasyon kung saan posibleng hindi mangyari sa loob ng partikular na time frame ang pag-delete o pag-anonymize. Pwedeng may mga legal na kinakailangan para i-store ang data mo, at maaaring kailanganin naming suspindihin ang mga kasanayan sa pagtanggal na iyon kung makatanggap kami ng wastong legal na prosesong humihiling sa aming panatilihin ang impormasyon o kung nakakatanggap kami ng mga ulat ng mga paglabag sa Mga Terms of Service. Sa pangwakas, maaari rin naming itabi ang ilang partikular na impormasyon sa backup sa loob ng limitadong yugto ng panahon o ayon sa kinakailangan ng batas.
Gumagana ang mga feature namin sa Shopping Suite sa loob ng mga website at app ng shop. Ang mga site at app na ito ay pwedeng mangolekta ng personal na impormasyon at/o maglagay ng kanilang sariling cookies sa iyong computer, nang hiwalay sa mga serbisyo namin. Hindi namin kinokontrol ang mga website at app ng shop na ito, at kakailanganin mong suriin ang kanilang mga patakaran sa privacy para maunawaan ang mga practice nila.
Ang iyong data ay pwedeng ilipat sa labas ng iyong bansa papunta sa mga lugar na posibleng walang parehong antas ng proteksyon para sa iyong personal na impormasyon. Sa ganitong sitwasyon, gumagamit kami ng mga alternatibong paraan na ibinibigay ng batas para protektahan ang iyong personal na impormasyon. Nagbibigay ng marami pang impormasyon sa aming Privacy Policy ng Snap.
Ang mga batas sa privacy sa buong mundo ay nagbibigay sa mga user ng karapatang kontrolin ang pangangasiwa ng iyong personal na impormasyon. Posibleng kasama sa mga ito ang:
Impormasyon. Ang karapatang malaman kung paano ginagamit ang iyong personal na impormasyon
Access. Ang karapatang makatanggap ng kopya ng iyong personal na impormasyon
Pagwawasto. Ang karapatang iwasto ang hindi tumpak na personal na impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo.
Pag-delete. Ang karapatang i-delete ang iyong personal na impormasyon.
Tumutol. Ang karapatang tutulan ang paggamit ng iyong personal na impormasyon, kabilang ang para sa direktang marketing.
Hindi pandidiskrimina. Hindi ka namin sisisihin kung gagamitin mo ang iyong mga karapatan.
Maaaring mayroon kang partikular na mga karapatan sa privacy sa iyong estado o rehiyon. Halimbawa, sa Estados Unidos, mayroong partikular na mga karapatan sa privacy ang mga residente ng California at iba pang mga estado. Mayroon ding mga partikular na karapatan ang mga user sa European Economic Area (EEA), UK, Brazil, Republic of Korea at iba pang hurisdiksyon. Para sa higit pang impormasyon o makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kang mga tanong o gusto mong gamitin ang mga karapatan mo, tingnan ang Privacy Policy ng Snap. Sa partikular, nagpapanatili kami ng overview ng mga pagbubuyag na partikular sa estado at rehiyon dito.
Para sa paggamit ng mga feature namin sa Shopping Suite sa mga website at app ng Partner Shop, pwede mo ring:
Burahin ang cookies naming naka-store sa device mo sa pamamagitan ng settings ng browser mo.
Hilingin sa aming ihinto ang pagkolekta ng data para sa feature na Fit Finder, at burahin ang Shopper Profile mo, sa pamamagitan ng setting na ‘I-clear ang Profile’ sa mga feature ng aming Fit Finder. Pwede kang gumawa ng bagong profile at i-restart ang pangongolekta ng data anumang oras sa pamamagitan ng paggamit muli sa serbisyo.
Hilingin sa aming burahin ang personal mong data na ginamit ng Shopping Suite sa pamamagitan ng form na ito.
Pakitandaan na kung gumamit ka ng mga feature ng Shopping Suite sa maraming browser at device, pwedeng kailangang ilapat nang hiwalay ang mga kontrol na ito sa bawat browser sa bawat device.
Hindi nilalaan ang mga feature namin sa Shopping Suite para sa—at hindi namin sila dinidirekta sa—kanino nang wala pang 13 taong gulang. Pwedeng mag-request ang mga nasa hustong gulang ng mga feature sa Shopping Suite para sa mga bata, pero mauugnay ang kaugnay na data (kabilang ang Profile ng Shopper) sa nasa hustong gulang na humihiling ng serbisyo sa kanilang request. Hindi kami intensyonal na nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa sinumang wala pang 13 taong gulang.
Pakikipag-ugnayan at Mga Reklamo
Kung mayroon kang anumang mga tanong tungkol sa Notice sa Privacy na ito o sa mga karapatan mo sa privacy, maaari kang makipag-ugnayan sa amin gamit ang mga link sa Privacy Policy ng Snap.
Kung hindi ka naniniwalang natugunan namin nang naaangkop ang iyong kahilingan, pwede ka ring makipag-ugnayan sa supervisory authority o sa ibang nauuugnay na awtoridad ng gobyerno para sa privacy at proteksyon ng data sa iyong bansa.